Bakit tunaw na agad ice cream ko?

Summer na naman. Mainit. Tumatagaktak ang pawis mo. Plak! Plak! Plak! Tama. Ganyan ang eksagerasyong kailangan para sa mainit na kapanahunang pumapaso sa balat mo.

Minsan sa sobrang init, natatakot akong mangyari sakin yung napanood ko isang araw, noong wala akong magawa sa bahay. Sa National Geographic pinalabas yung tungkol sa spontaneous combustion. Marami pa ring teorya kung bakit nangyayari yun. "Posible kayang masunog ako sa sobrang init?"--baliw na yata ako.

Kung napanood niyo naman yung "An Inconvenient Truth" ni Al Gore (kung saan natulugan ko ang kalagitnaan), marahil alam niyo na ang mga panganib na dulot ng Global Warming. Alam na naman talaga natin bago pa nagpaliwanag at nagjoke joke si Al Gore sa kanyang dokumentaryo. Hindi lang natin pinapansin. Ngayon, pansing pansin na. Sana. GRABE na ang init. GRABE.

At kawawa ang mga polar bears.

Masaya pa ba ang summer? Kahit napakainit? Oo naman. (toink!) Sa mga susunod na taon, sunog na tayo. Masaya pa ba iyon? Isipin natin. Maraming taon mula ngayon, may kakanta pa ba ng "I just wanna be on the beach!"? Teka, may beach pa ba kayang mapupuntahan?

Minsan, kailangan lang talaga nating magmasid. MAKINIG.

at Kumilos.

kahit man lang sa ating mumunting paraan.http://www.climatecrisis.net/takeaction/

*********
"Don't it always seem to go that you don't know what you have until it's gone?"

*I also recommend visiting this site: http://www.pbs.org/strangedays/episodes/onedegreefactor/ or watch National Geographic's "Strange Days on Planet Earth" series.*


Comments

YOU MIGHT ALSO LIKE:

Coming home.

LOVE IS STILL THE ANSWER.

SERVE LIFE FORWARD: Travel meaningfully, Live joyfully.